SIXERS, TINABLAHAN ANG NETS SA 51 PTS., BUCKS ARANGKADA RIN


NAKONTROL ng Philadelphia 76ers ang laro nang umatake ng 51 puntos sa third quarter at mabuhay pa ang pag-asa para sa playoff game at nagawa pang ipatas ang first-round series na may tig-isa nang panalo sa bisa ng 145-123 victory laban sa bisitang Brooklyn Nets sa NBA game kahapon.
Ang Game 3 ay sa Huwebes sa New York. Kumulekta si Joel Embiid ng 23 puntos at 10 rebounds upang pangunahan ang Philadelphia. Para sa ikalawang diretsong pagkakataon, huminto sa laro si Embiid dahil na rin sa sumusumpong na tendinitis sa kaliwang tuhod, pero nagawa pa niyang maglaro sa ilang quarters.
Si Embiid ay may kabuuang 13 puntos at 5 rebounds sa 3rd quarter nang bumanat ang Philadelphia ng 72 percent at tinalo ang Brooklyn, 51-23. Lumakas ang laro ni Embiid matapos siyang tawagan ng flagrant-one foul kay Jarrett Allen sa nalalabing 35.6 segundo sa first half. Nakapatas ang Philadelphia sa 1962 Los Angeles Lakers points sa pagkakaroon ng mas maraming puntos sa quarter sa playoff game.
Samantala, sa iba pang laro, lumagare si Giannis Antetokounmpo ng 24 puntos, 17 rebounds at 4 assists sa 23 minuto nang gapiin ng Milwaukee Bucks ang bisitang Detroit Pistons, 121-86, sa kanilang Eastern Conference playoff opener. Si George Hill ay may nagawang 16 puntos para sa Bucks na nanalasa ng 26 puntos sa halftime. Umiskor si Eric Bledsoe ng 15 puntos, sina Brook Lopez at Khris Middleton ay may tig-14 puntos, may 11 si Sterling Brown at team-high seven assists.
Na-eject naman si Pistons center Andre Drummond sa nalalabing 4:07 na minuto sa 3rd quarter nang itulak sa sahig si Antetokounmpo. Ang dalawang kamay na pagtulak ay ginawa nang makakuha ng offensive rebound si Antetokounmpo. Tumapos si Drummond ng 12 puntos at 12 rebounds. May 21 puntos si Luke Kennard para sa Detroit. May 12 puntos si Reggie Jackson at 5 assists. (MC/ATD)





Comments