top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Retiradong guro natagpuang patay

Pabs Hernandez III
Apr 17, 2019
1 min read

NEGROS OCCIDENTAL—Isang retiradong guro ang natagpuang patay sa loob ng kanyang bahay, kamakalawa sa Bgy. 4, Himamaylan City sa lalawigang ito.

Kinilala ang biktima na si Sharon Fejidero, residente ng nasabing barangay.

Nabatid na ilang kapitbahay ni Fejidero ang nakatagpo sa naaagnas na bangkay ng biktima sa loob ng bahay nito sa naturang lugar.

Sa imbestigasyon, napag-alaman na biktima ng pamamaslang si Fejidero dahil may packaging tape ang bibig nito at may malaking sugat sa ulo, dahil dito ay pinaghahanap na ng pulisya ang mga salarin.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page