PDEA agent dedo sa aksidente
MAGUINDANAO—Isang ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang namatay nang aksidenteng mabangga ng trak ang kinalululanan nitong motorsiklo, kamakalawa sa Bgy. Kuya, Upi sa lalawigang ito.
Nakilala ang biktima na si Aljhun Carim, residente ng Kalamansig, Sultan Kudarat.
Ayon sa ulat, mabilis ang takbo ng trak na minamaneho ni Joel Jardin kaya aksidenteng nabangga nito ang motorsiklong kinalululanan ng biktima.
Dinala pa ng mga saksi si Carim sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival, samantalang, sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting in homicide si Jardin.





Comments