top of page
Pokwang.jpg

Para sa mga nognog diyan dahil panay ang punta sa beach, read n‘yo ‘to! 5 tips para gumaling ang sun

Jersey Sanchez
Apr 17, 2019
2 min read

SIGURADONG marami na riyan ang nakapag-outing na kaya may ilan na ring namumroblema sa sunburn na nakuha nila mula sa outing. ‘Yung tipong hindi ka makapagsuot ng sleeveless kahit mainit kasi may mahapdi kang sunburn sa balikat? Hu-hu-hu! ‘Yung iba naman, eh, gustong maging prepared para alam nila ang gagawin kung sakaling mag­kaka-sunburn sila. Don’t worry dahil we got you, beshy! Huwag ka nang ma-stress sa pagkakaroon ng sunburn dahil narito ang ilang remedies para sa mas mabilis na paggaling nito:

1. VASELINE. Dapat umanong pana­tilihing hydrated at moisturized ang balat dahil nai-improve rin nito ang sakit at napa­bi­bilis ang paggaling. Dahil dito, inirereko­menda ang paggamit ng malamig na vaseline dahil kaya nitong ma-soothe ang sunburn, gayundin, napabibilis nito ang paggaling.

2. OATMEAL BATH. Isa sa mga epek­to ng sunburn ay ang pangangati kapag nag­babalat na ito. Para maibsan ang nakaiiri­tang pakiramdam, inirerekomenda ang pagligo gamit ang maligamgam na tubig at durog na oatmeal. Ibabad ang katawan sa oatmeal ng 15 hanggang 20 minuto at saka magbanlaw. Ayon sa mga eksperto, nakatutulong ang oat­meal sa pagbibigay ng moisture sa balat da­hil sa inflammation-quelling compound na taglay nito.

3. APPLE CIDER VINEGAR. Sey ng experts, ang apple cider vinegar ay nag­tataglay ng anti-fungal at antiseptic liquid na epektibong pang-detoxify ng balat. Para gamitin ito, maglagay ng apple cider sa bu­lak at i-dab sa parte ng katawan na apektado ng sunburn. Bukod sa paglilinis, naibabalik din nito sa normal ang pH level ng balat.

4. TEABAGS. Sa mga mahilig mag-tsaa riyan, huwag ninyo agad itapon ang tea-bags dahil magagamit pa ito. Ayon sa mga eksperto, ang anti-inflammatory at antioxi­dant properties nito ay nakatutulong para mapabilis ang paggaling ng sunburn. Para magamit ito, i-towel compress ang teabag para mailipat sa balat ang katas ng tsaa.

5. BAKING SODA. Bagama’t, muk­hang magiging ‘harsh’ ito sa balat, isa umano ito sa pinakamatipid at epektibong paraan para gumaling ang sunburn dahil naba­bawasan nito ang pangangati. Ihalo ang 1 cup baking soda sa tubig at ibabad ang katawan sa loob ng ilang minuto at saka ban­lawan.

Oh, ayan, mga besh, siguradong dehins na kayo mai-stress para gumaling ang sun­burn ninyo dahil sa ilang mga paraan na ito. Make sure rin na hindi ninyo makalilimu­tang gumamit ng sunblock nang sa gayun ay maiwasan ninyo ang pagkakaroon nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page