Nag-resign ang COO ng Manila Water, baka natakot ‘malunod’ sa nakaambang krisis sa tubig, hmmm…

NAGBITIW na ang chief operating officer ng Manila Water.
Huh, natakot ba siyang malunod sa nakaambang water crisis?
◘◘◘
IBINASURA ni P-Digong ang P95 bilyong “pork barrel” sa 2019 National Budget.
Aangat nang todo ang kanyang approval rating!
◘◘◘
KAILANGANG gumandang lalaki si P-Digong upang magwagi ang kanyang mga kandidato.
Ito rin ay para matiyak na bokya ang otso diretso!
◘◘◘
NAG-AAWAY sina Sen. Leila de Lima at ex-Sen. “Bong” Revilla, Jr..
Puwede silang magtambal sa susunod na pelikula.
Ang alamat ng saging na saba!
◘◘◘
HINATI sa tatlong probinsiya ang Palawan.
Tatlong gobernador ngayon ang kalaban ng China!
◘◘◘
NAGWAGI sa amateur bout si Jimuel Pacquiao.
Sino kaya ang susunod na “Jinkee”?
◘◘◘
MARAMI ang naghihintay na murahin ni P-Digong si Chinese Pres. Xi Jinping.
Huwag muna tayong pumalakpak!
◘◘◘
MARAMI ang kandidato na nangangampanya ngayong Semana Santa kahit bawal.
Masarap kasi ang “bawal” kapag Mahal na Araw!
◘◘◘
MATAPOS ang Pasko ng Pagkabuhay, tiyak na magpa-panic na ang mga kandidato.
Ito na ang last hurray nila!
◘◘◘
NAAGAW na ng mga rebelde ang Tripoli, Libya.
Kakambal kaya siya ni Muammar Khadafy?





Comments