Mga pambato ng PDP-Laban at HNP, dedma lang sa isyu ng WPS, tsk-tsk-tsk!

MALAMANG, ‘IYAKAN’ NA ANG MGA KONGRESISTA KASI WALA NA SILANG ‘PORK BARREL’ —Nilagdaan na ni P-Duterte ang P3.757 trilyong 2019 National Budget at sa budget na ito ay ibinasura ng pangulo ang P95.3 billion insertion o ‘isiningit na pondo’ ng mga kongresista sa National Budget.
Dahil d’yan, malamang, “nag-iiyakan” na ngayon ang mga kongresista kasi wala na silang pork barrel ngayong 2019, ha-ha-ha!
◘◘◘
SABLAY ANG PASIKLAB NI P-DUTERTE — Sablay ang pasiklab ni P-Duterte na hindi raw niya papayagang masakop ng China ang Pag-asa Island.
Sablay dahil kung pagbabasehan ang statement na ‘yan ni P-Duterte, lumalabas na hindi pala niya alam na nasa paligid na ng Pag-asa Island ang mga barkong pandigma ng China na indikasyong nasakop na nito (China) ang isla ng Pilipinas, boom!
◘◘◘
MGA KANDIDATO NG PDP-LABAN AT HUGPONG NG PAGBABAGO, TAMEME SA WPS —Wala kahit isa sa mga kandidato ng mag-amang P-Duterte sa PDP-Laban at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa Hugpong Ng Pagbabago (HNP) ang tumutuligsa sa pananakop ng China sa West Philippine Sea (WPS).
Ang posibleng dahilan kaya tameme sa isyung ito ang mga kandidato ng PDP-Laban at HNP ay takot silang ilaglag sila sa eleksiyon ng mag-amang P-Duterte at Sara na kilalang mga pro-China, buwisit!
◘◘◘
ILLEGAL DRUGS AT GAMBLING SA LEMERY, BATANGAS —Laganap na naman daw ang illegal drugs at gambling sa Lemery, Batangas.
Paging Mayor Larry Alilio at Maj. Alfie Salang, pakitokhang nga ang mga salot na iligalista sa nasasakupan ninyo, plis lang!





Comments