Labs mo, Joshua, game na game raw… RESBAK NG NETIZEN: JULIA, WA' 'K' MAG-DARNA DAHIL 
- BULGAR

- Apr 17, 2019
- 1 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

GAME na game naman ang aktres na si Julia Barretto na mag-audition para sa iconic Pinay superhero role na Darna.
Matapos ibalita ng Star Cinema na hindi na magagawa ni Liza Soberano ang Darna role dahil sa kanyang injured index finger, naging maingay na ang mga netizens sa pagsa-suggest ng mga pangalan ng aktres na posibleng gumanap sa bakanteng role.
Sa isang interview, sinabi ni Julia na game na game siyang mag-audition sa Darna kahit suot lang niya ay ang trademark na two-piece red costume ng Pinay superhero.
Aniya, “I will do it.”
Dagdag pa niya, “If there will be auditions, I will go to that audition in panty and bra and just do the thing.”
Nagpasalamat din si Julia sa mga fans niya na nagsasabing bagay siyang gumanap bilang bagong Darna.
“Thank you so much for even thinking about me. I mean that’s a huge thing, that’s huge. Thank you,” ang naging pahayag ni Julia.
Hati naman ang naging reaksiyon ng mga netizens dahil may mga nagsasabing hindi raw bagay kay Julia ang Darna role dahil hindi naman Pinay beauty ang aktres at hindi rin morena.
At marami rin ang nagtatanong kung paano niya isusuot and trademark red bra ni Darna kung hindi naman siya nagba-bra, na inamin din niya sa isang interview sa kanya ni Tito Boy Abunda sa TWBA.
Nipple tape lang ang isinusuot niya, ‘di ba? So, pa’no na?!





Comments