Dentista tinodas

PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ang babaeng dentista habang sakay sa kanyang puting pick-up sa Calbayog City, Leyte, kamakalawa ng hapon.
Pasado alas-4:00 ng hapon, pauwi na ang biktimang si Dra. Vicky Romhur nang sundan ito ng mga suspek at nang makatiyempo sa bahagi ng Bgy. Rawis, doon na ito pinagbabaril na nagtamo ng limang tama ng bala ng baril.
Umabante pa umano ang sasakyan hanggang 100 metro mula sa pinangyarihan bago ito huminto.
Tinutukoy ng mga awtoridad kung may koneksiyon ang pagpatay sa 69-anyos na dentista sa hindi pa nareresolbang pagpaslang din sa kapatid nitong si Catherine Romhur Johnson.
Pinatay din ang kapatid ng dentista habang bumibili ng tinapay sa isang bakery noong nakaraang taon.





Comments