DAQUIOAG NG E-PAINTERS, PBAPC-PLAYER OF THE WEEK
- Alvin Olivar
- Apr 17, 2019
- 1 min read

ITINANGHAL bilang Cignal-PBA Press Corps Player of the Week si Ed Daquioag ng Rain or Shine sa kanyang naiambag na 2-0 kalamangan sa kanilang serye laban sa Magnolia.
Nag-average si Daquioag ng 14.5 points, 3.0 rebounds, at 2.0 assists sa dalawang laro ng Elasto Painters sa serye upang mahawakan ng kanyang koponan ang abanse sa best-of-seven semifinals. Gumawa ng 10 points si Daquioag upang tumulong sa kanyang mga kakampi na sina Beau Belga at Gabe Norwood upang makuha ng Elasto Painters ang 84-77 panalo noong Biyernes.
Umiskor naman ng 19 points si Daquioag sa Game 2 para pangunahan ang Elasto Painters sa 93-80 panalo laban sa Magnolia.
Tinalo ni Daquioag sa Player of the Week award sina Norwood, June Mar Fajardo, Alex Cabagnot, at Christian Standhardinger para sa award.





Comments