Bilang ng mga kumukuha ng agriculture courses sa bansa, bumaba!
- Ryan B. Sison
- Apr 17, 2019
- 1 min read

SA talaan ng Commission on Higher Education (CHED), bumaba ng 30 porsiyento ang bilang ng mga estudyante na kumuha ng agriculture courses mula noong 2015 hanggang 2018.
Gayunman, noong School Year 2017-2018, nasa 100,000 estudyante lamang ang kumuha ng agriculture courses kung saan mas mababa ito sa 127,000 na naitala noong School Year 2016-2017.
Base sa January 2019 labor force survey na ginawa ng Philippine Statistics Authority (PSA), umabot nasa 1.7 million job losses ang naitala kumpara sa 1.3 milyong trabahong nawala sa pinagsamang industry at services sector.
Kaya naman, sa ngayon ay hinihikayat ang sektor ng agikultura na mag-isip ng paraan upang mahikayat ang kabataan na pasukin ang mundo ng pagsasaka na sa totoo lang ay sobrang kapaki-pakinabang talaga.
Sa paraang ito, mas matitiyak natin ang sapat na suplay ng pagkain sa bansa kung saan posible ring matuldukan ang problema sa kagutuman na nais masolusyunan sa mga susunod pang taon.
Bagama’t, naiintindihan natin ang kabataan dahil hindi ganu’n kadali ang kursong ito, pero sana ay hindi mawala ang pagkakaroon natin ng pakialam sa bayan.
Samantala, ang bagay na ito ay hindi sapilitan, kumbaga, kung sino ang interesado, ‘yun dapat ang kumuha nito nang sa gayun ay magkaroon ng magandang resulta ng totoong pagbabago at pag-asenso.
‘Ika nga, kung may itinanim, may aanihin!
Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.





Comments