top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

‘Environment user‘s fee’ sa mga beach, pinalagan

Gina Pleñago
Apr 17, 2019
1 min read

TUTOL ang mga residente ng Lian, Batangas sa paniningil ng kanilang lokal na pamahalaan “environment user’s fee” sa mga beach sa Matabungkay.

Nakipagpulong ang mga residente ng Bgy. Santiago sa pangunguna ni Dennis Ilagan sa mga mamamahayag sa Pasay City para ipaalam ang kanilang hinaing.

Ani Ilagan, nagpadala sila ng sulat sa tanggapan ni Lian, Batangas Mayor Isagani Balompo para humiling ng kopya ng public hearing at minutes of meeting na may kaugnayan sa ordinansa kaugnay sa paniningil ng P25 kada tao para sa sinasabing “environment user’s fee”.

Gayunman, wala pa namang ibinibigay na kopya sa kanila ang tanggapan ng alkalde.

Tambak aniya ang basura sa dagat ng Matabungkay at hindi umano nililinis.

Nagpadala rin ng sulat ang grupo sa tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kaugnay sa kanilang hinaing.

Agad umanong inaksiyunan ni DENR Undersecretary Benny Antiporda sa pamamagitan ng pagpapadala nito ng kinatawan upang imbestigahan ang naturang reklamo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page