top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Sintomas ng psoriasis

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 16, 2019
  • 2 min read

Dear Doc. Shane,

Ako ay 21 years old at fresh graduate. Ngayon ay nagtatra­baho ako bilang call center agent sa Ma­ka­ti City. Nitong mga nakaraan araw, na­pan­sin kong parang may mga namumu­lang patse at parang nangangaliskis sa aking mga tuhod. Sabi ng bestfriend ko na kasama ko rin sa ba­hay ay psoriasis daw ito. Gayunman, sa pag­kakaalam ko sa psoriasis, apektado nito ang buong kata­wan ng pasyente pati sa anit at kung minsan ay hanggang sa mga kilay dahil may batch­mate ako noon na may ganitong sakit. Sa totoo lang, worried ako na magpa-check-up dahil baka may kama­halan ang gamot para rito. — Margarita

Sagot

Mayroong iba’t ibang uri ang sakit na psoriasis at sa bawat uri na ito ay may iba’t ibang sin­tomas na maaaring maranasan ngunit, para sa karaniwang kondis­yon ng psoriasis.

Narito ang ilan sa mga sintomas nito:

  • Nangangapal at namumulang patse sa balat na kadalasang nakikita sa mga siko at tuhod.

  • Pangangaliskis at pamamalat ng bahagi ng balat na apektado.

  • Pagsusugat ng bahagi ng balat na natuklapan.

  • Pagbibitak at pag­kakaliskis ng anit.

  • Pangangati ng apek­tadong balat.

  • Pagtutuklap at pamumuti ng mga kuko.

Ang mga sintomas na nararanasan ay ma­aaring lumala da­hil sa mga sumu­sunod:

  • Malamig na tem­peratura

  • Tuyong klima

  • Stress

Narito ang mga antas ng sakit na psoriasis:

Ang sakit na psoriasis ay maaaring hatiin sa tatlo: Mild, moderate at severe. Ito ay nahahati depende sa kung gaano kalawak ang balat na naaapektuhan. Habang lumalala ang kaso ng psoriasis, mas humihi­rap din ang gamutan dito:

  • Mild psoriasis — kakaunting bahagi lamang ng balat ang naapektuhan ng sakit. Ito ay kadalasang naki­kita lamang sa mga siko at tuhod.

  • Moderate psoriasis — ang apektadong balat ay mas malawak. Maaaring apektado rin ang anit. Tinatayang 20% ng balat ang apektado ng sakit.

  • Severe psoriasis — bukod sa apekta­dong balat sa anit, mga siko at tuhod, apektado rin ang balat sa mukha, likod, mga kamay at dibdib. Maaaring ito ay may pagsusugat at may kaakibat na pananakit ng kasu-kasuan na tinata­wag na psoriatic arthritis.

Makabubuting mag­pa­tingin agad sa doktor sa simula pa lang na mara­nasan ang mga nabanggit na sintomas. Ito ay upang makatiyak kung anong uri ng sakit ang nakapagdudulot ng mga sintomas sa balat. Tan­daan, na may ilan ding sakit na mayroong kaparehong sintomas sa psoriasis. Makabu­bu­ting magpatingin sa dermatologist para maka­siguro.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page