Nakarinig daw ng bulong, kumuha ng kutsilyo‘t gunting | BUNTIS AT 4 YRS. OLD KINATAY NG 13-ANYOS
- Jeff Tumbado
- Apr 16, 2019
- 1 min read
PATAY

ang isang buntis at kanyang apat na taong gulang na anak makaraang pagtatagain sa kanilang bahay sa Lubao, Pampanga.
Tadtad ng malalalim na sugat sa leeg at iba’t ibang bahagi ng katawan nang madiskubre ang bangkay ng mag-ina na nakilalang sina KC Montemayor, 24, at Chelsie Jade, 4.
Base sa imbestigasyon ng Lubao Municipal Police Station, mismong ang ama na galing sa pagtitinda ang nakadiskubre sa sinapit ng kanyang mag-ina, Linggo ng umaga.
Sa follow-up operation ng pulisya, isang 13-anyos na pinsan ng buntis ang sinasabing nasa likod ng pamamaslang.
Kumuha umano ito ng gunting at kutsilyo para pagsasaksakin ang mga biktima.
Ayon naman sa pulisya, hindi sangkot sa iligal na droga ang suspek at wala ring nawawalang gamit sa bahay ng mga biktima.
Sinasabing nasa tatlong buwan na pagbubuntis ang ginang.
Habang isinusulat ang balitang ito, nakaantabay ang mga awtoridad sa magiging desisyon ng prosecutors office kung ang batang suspek ay mananatili sa kostudiya ng Social Welfare and Development o ilalagay sa institusyon para sa mga itinuturing na child in conflict with the law sa bayan ng Magalang.





Comments