top of page

MGA BATANG SUPERSTARS SA NBA PLAYOFFS, ABANGERS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 16, 2019
  • 1 min read

SIKSIK na sa aksyon mula sa NBA playoffs ang matutunghayan ngayong Abril sa pagsisimula ng bakbakan ng 16 koponang may pag-asa pang mapana­lunan ang tropeong ipina­ngalan kay Larry O’Brien.

Gigil na nagpakitang-gilas ang mga bagitong superstar ng liga tulad nina Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks, Nikola Jokic ng Denver Nuggets, at Aaron Gordon ng Orlando Magic at una nang natung­hayan ang kanilang pag-angat sa playoff game na nagsimula noong Abril 14, at itutuloy ang laro maliban sa araw ng Huwebes Santo, Biyernes Santo, at Sabado de Gloria.

Sinimulan ito ng Denver-San Antonio, kung saan nagtala ng triple-double si Jokic sa unang laro sa playoff maski nabigong makuha ang Game 1.

Sinundan ito ng pagsabog ng Houston sa pangunguna ng MVP front­runner na si James Harden laban sa batang pam­bato ng Utah na sina Rudy Gobert at Donovan Mit­chell.

Ngayong Abril 16, mapapanood ang Game 2 sa pagitan ng kampeon na Golden State Warriors kontra Los Angeles Clippers sa S + A ganap na 10:30 am, sa kampanya nilang maka­sungkit ng three-peat.

Nag­tala ng panibagong record si Steph Curry at pinatatag lalo ang bansag sa kanya bilang pinaka­mahusay na shooter ng NBA nang lampasan niya si Ray Allen sa pinaka­maraming naipasok na tres sa playoffs nang tambakan nila ang Clippers sa iskor na 121-104. (MC/ATD)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page