top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga akyat-bahay na nananalisi ngayong Semana Santa, gumagala!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 16, 2019
  • 2 min read

NGAYON ang Linggo ng pagninilay-nilay natin dahil pumasok na ang Semana Santa kaya karamihan sa ating mga kababayan ay aligaga na sa pag-uwi sa kani-kanilang lalawigan para roon gunitain ang Mahal na Araw o ang paghihirap ng ating Poong HesuKristo para tubusin ang ating mga kasalanan.

Marahil, karamihan sa ating mga ka-BULGAR ay talagang bongga to the max ang bakasyon, lalo na at bitbit pa ang buong pamilya, pero kung ang pag-uwi sa mga lalawigan ang inaasikaso ng mga suki natin d’yan, ito naman ngayon ang panahon na pinaghahandaan din ng mga demon­yong kawatan para makaperhuwisyo.

Aligaga rin ang mga hinayupak na ito sa pagmamanman sa kung kaninong bahay ang maiiwanang walang tao na balak nilang pasukin para pagnakawan.

Kaya ngayon pa lang ay binabalaan na natin ang ating mga bakasyunista na huwag ninyong ipino-post sa social media ang inyong planong bakasyon dahil ang mga kawatan o kriminal ay walang pinipiling oras at araw para kayo ay biktimahin o pagnakawan.

Tulad ng dati nating paalala sa mga nakaraan nating kolum, hangga’t maaari ay may maiiwang taong magbabantay sa inyong bahay o kung hindi puwede ay ibilin na lang ninyo ito sa inyong mapagkakatiwalaang kapitbahay na siyang magsisilbing bantay sa inyong bahay at siguraduhin din ninyong naka-lock ang inyong mga pintuan, bintana at ang lahat ng mga posibleng madaanan papasok sa inyong bahay para kayo ay pagnakawan.

Walang imposible sa mga demonyong kawatan kapag natunugan ng mga ito na walang tao sa inyong bahay.

Nagbabala rin ang Philippine National Police (PNP) na manigurado at maging maingat, lalo na ngayong Semana Santa dahil ito ang inaabangang pagkakataon ng mga animal na kawatan para pagnakawan ang bahay na walang tao.

Ikaw kaibigan, anong sey mo?

Walang maloloko kung walang magpapaloko!

Ligtas ang may alam!

Kaya ikaw, ako, tayo… mag-ingat!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page