Lolo tinodas ng riding-in-tandem
Pabs Hernandez III
Apr 16, 2019
1 min read
ILOCOS SUR—Isang 60-anyos na lolo ang namatay nang barilin ng riding-in-tandem, kamakalawa sa Bgy. Lapting, San Juan sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Arturo Alviar, barangay secretary at residente sa nasabing lugar.
Ayon sa ulat, naglalakad ang biktima nang sumulpot ang dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.





Comments