top of page
Pokwang.jpg

HARAPIN ANG BUKAS VS. WILL TO WIN SA MMTC

Green Lantern
Apr 16, 2019
2 min read

RENDA at LATIGO

MAGHAHARAP ang mga katunggali sa “Additional One Win in Group Races” sa pitong karera na aalagwa sa Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) sa Malvar, Batangas ngayong gabi.

Asahan na kaabang-abang ang mangyayaring karera sa Race 6 dahil tatlong matitikas na kabayo ang maglalaban-laban sa pagitan ng Will To Win, Harapin Ang Bukas at Sure To Win na magiging paratingan sa Winner Take All (WTA), Pick 6, Pick 5 at Pick 4.

Subalit bago ang lahat, unang maglalaban sa Condition Race 1 na pinapaboran ang Rosario Princess at Mother Sec­ret, samantalang ang couple entry na Boundle of Joy at ILoveHenry ang magbibigay ng laban.

Sa Pick 6, tatlo rin ang pinapaboran na maglalaban sa grupo; ang Rise Up, Stay Ready at Professor Jones sa Race 2. Nakalalamang ang Belle Royal sa mga kalahok sa Race 3 sa pagsisimula ng Pick 5 at makakalaban ang Oh Neng, St. Suswa, Rochelle at Clear talk.

Habang apat na kabayo ang maglalaban-laban sa Race 4 at pinapaboran ang Beautiful Lady, It’s A Deal, Jade Treasure at Absoluteresistance. Pinapaboran ang Rianna at Joy Joy Joy sa Race 5 at baka makatsamba ang Blowby.

Sa Race 6, mapapanood ng bayang karerista ang laban ng 3 Year Old group Race (5, 6, 7) sa pagitan ng couple entry na Change The World at Will To Win, Sure Win at Harapin ang Bukas. Binibigyan ng panalo ang Lady Pio, habang ang mga kalaban tulad ng Magat Salamat ay magsisilbing banta habang ang Casino Sharp ay naghihintay ng magandang pagkakataon sa Race 7.

Tip ni Mang Ding: Race 1- Rosario Princess (10) Mother Secret (7) Race 2-Rise Up (2) Professor Jones (6) Race 3- Belle Royale (4) St. Suswa (1) Race 4- Jade Treasure (4) It’s A Deal (1) Beautiful Lady (5) Race 5- Rianna (3) Joy Joy Joy (6) Blowby (1)

Race 6- Harapin Ang Bukas (6) Entry No.2 Race 7- Lady Pio (1) Magat Salamat (11) Apple Du Zap (10) Casino Sharp (6)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page