Habang naka-duty | SEKYU BINARIL SA ULO

GINAGAMOT ang security guard matapos barilin habang nasa trabaho sa Bgy. VI-B, San Pablo City, Laguna.
Batay sa imbestigasyon, alas-12:05 ng tanghali, habang naka-duty sa Western Union Remittance Center ang biktimang si Rene Cuevas nang sumulpot sa kanyang tabi ang suspek.
Agad itong bumunot ng baril at saka pinaputukan ang biktima sa ulo saka tumakas patungo sa direksiyon ng Bgy. VII-B.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya sa motibo at pagkakakilanlan ng suspek.





Comments