top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Ex-convict utas sa engkuwentro

Mylene Alfonso
Apr 16, 2019
1 min read

TODAS ang ex-convict na kilalang drug personality sa kanilang lugar sa naganap na running gunbattle, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Manila.

Ayon kay Manila Police District (MPD) Director P/BGen. Vicente Danao, Jr., ang suspek ay nakilalang si Marvin Arsenio, 38, ng Tondo, Manila.

Ayon sa MPD-Station 1, alas-6:45 ng gabi nang maganap ang engkuwentro sa Lacson Ave., kanto ng Avocet St., Tondo.

Nakatanggap ng sumbong ang mga tauhan ng Don Bosco Police Community Precinct mula sa concerned citizen na nakakita sa suspek na may bitbit na baril sa Mata kanto ng Dahlia Sts., Tondo.

Agad rumesponde ang mga pulis at nang makita sila ng suspek ay agad umano silang pinaputukan na nauwi sa habulan at barilan.

Nagawa umanong makorner ng mga pulis ang suspek sa isang bahay sa Avocet St. pero, sa halip na sumuko, patuloy pa rin itong nakipagbarilan sa mga pulis hanggang sa tamaan at mapuruhan.

Nabatid na ang suspek ay dating bilanggo at no. 1 sa Barangay Anti-Drug Abuse Council Watch List.

Kilala rin itong drug pusher sa Bgy. 111 at mga kalapit-barangay.

Nakuha ng mga pulis sa suspek ang isang caliber .45 na may serial number 601272, magazine, apat na .45 caliber live ammunitions at limang sachets ng hinihinalang shabu.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page