Calayan, Cagayan niyanig ng Magnitude 5.2

NIYANIG ng Magnitude 5.2 na lindol ang bayan ng Calayan sa lalawigan ng Cagayan, kahapon ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), alas-9:32 ng umaga nang maitala ang lindol sa layong 62 kilometro ng Calayan.
May lalim na apat na kilometro ang pagyanig na tectonic ang origin.
Naitala ang Intensity IV sa Calayan, Cagayan; Intensity III sa Pasuquin, Pagudpod, Bangui, Adams at Laoag, Ilocos Norte; Intensity II sa Sinait, Ilocos Sur; Bacarra, Currimao, Badoc at Burgos, Ilocos Norte.
Batay naman sa Instrumental Intensities, Intensity III sa Claveria, Cagayan; Pasuquin at Laoag City, Ilocos Norte; Intensity II sa Sinait, Ilocos Sur at Intensity I sa Gonzaga at Peñablanca, Cagayan.
Bagama’t, wala ng inaasahan ang Phivolcs na magdudulot ng pinsala ang lindol, posible pa rin umano ang aftershocks.





Comments