top of page
Pokwang.jpg

Bilyun-bilyong pondo sa LGUs, bantayan at talupan!

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 16, 2019
1 min read

WALANG kandidato ang nagsusulong ng awtonomiya sa local government units upang makakilos nang maayos.

Bakit kaya?

◘◘◘

WALA ring kandida­to sa pagka-senador ang nagpapanukala kung paano masusuri ang transaksiyon sa LGUs na karaniwang batbat ng korupsiyon.

Mahalagang ma­bantayan ang pondo sa LGUs kasi bilyun-bil­yong piso ang kaduda-dudang transaksiyon dito!

◘◘◘

MARAMI ang natu­tu­wa sa pagkakadeklara sa Malabon bilang “highly urbanized city” noong 2001.

Binibigyan ang lung­sod ng malawak na awtonomiya kabilang ang pagpataw ng buwis at iba pang kapangyari­han tulad ng pribadong korporasyon.

Mabigat ang res­pon­sibilidad na ito kung saan nagkaletse-letse ang transaksi­yong pampinansiyal!

◘◘◘

BATAY sa 2013 Commission on Audit report, natuklasang may P1.8 milyon ang hindi nairekord sa koleksiyon.

Saan ito napunta?

◘◘◘

PINAGDUDUDAHAN kung bakit nagkaroon ng P214, 213,576 na “unreconciled difference” sa book balances at Physical Report of Property, Plant and Equipment (PRPPE).

Paano kaya ibaba­lanse ang transaksi­yong ito?

◘◘◘

May naitala ring P38,306,496 “unliquidated cash advances”.

Ang paglalabas ng naturang pondo ay dapat may kalakip na dokumento at resibo kaya hindi malaman kung paano ito na­gastos!

◘◘◘

HINAHANAP din ng mga auditor ang P4.183 milyon sa treasury.

Saan nga ba ito napadpad?

◘◘◘

ANG koleksiyon ng Community Tax Certificates na aabot sa P3,708,028 ay hindi naibalik sa 21 barangays sa Malabon na dapat nagamit sa mga pro­yekto.

Hinihiling ng mga residente na ibalik ito sa kanilang barangay upang ma­pakinaba­ngan ng mamamayan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page