top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Turista todas sa sekyu

  • Levi Gonzales
  • Apr 15, 2019
  • 1 min read

PATAY ang isang bakasyunista matapos barilin ng nakaaway na security guard sa Fortune Island Resort, Nasugbu, Batangas.

Kinilala ang biktimang si Rizaldy Raniel Tamayo, 47, ng Biñan, Laguna habang ang suspek ay si Alexander Tolentino, 37, tubong Calatagan.

Batay sa initial report, alas-10:00 ng umaga nang dumating sa naturang resort ang biktima kasama ang pamilya nito.

Pagpasok nito sa lugar, nag-usap pa silang dalawa kung saan biglang humantong sa pagtatalo. Agad umanong bumunot ng dala nitong baril ang suspek at makailang ulit siyang pinagbabaril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Duguan itong bumulagta at agad nasawi sa pinangyarihan ng insidente.

Dali-dali namang itinapon ng suspek ang baril nitong ginamit pagkakita sa mga rumespondeng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page