top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Serbisyo ng gov’t agency, sapol kay digong

  • Mylene Alfonso
  • Apr 15, 2019
  • 1 min read

PINUNA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naging trabaho ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) para sa “seasonal” na El Niño.

Ayon sa pangulo, kinulang ang ahensiya ng paghahanda.

Tila nabigla umano ito sa epektong dala ng dry spell.

Kung hindi pa umano ito nagbanta na magtutungo sa ahensiya, hindi sila kikilos upang maibalik ang serbisyo ng tubig.

Ayon naman kay dating Special Assistant to the President Christopher ‘Bong’ Go, ang tapat na paglilingkod sa kapwa ay paglilingkod na rin sa Dakilang Lumikha. Dapat umanong itaas pa ang antas ng paglilingkod sa mga mamamayan na nangangailangan ng tulong.

Kailangan umanong maipagpatuloy ang sinimulang pagbabago ni Pangulong Dutete, tulad ng pagsugpo sa graft and corruption, kriminalidad at maigting na kampanya laban sa iligal na droga.

Aniya, prayoridad din ang Agri-Sector, Housing for the Poor, Education, Sports Development, Fire Protection at Fire Prevention.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page