Nakakita ng white lady
- BULGAR

- Apr 15, 2019
- 2 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Angela ng Angela_Mahinay@facebook.com
Dear Professor, Sa panaginip ko ay nagsalamin ako nang masaya nang bigla na lang akong makakita ng white lady na nakatalikod. Nagulat talaga ako, kaya kahit nagising na ako ay hinding-hindi ko makalilimutan ang panaginip ko dahil sa takot na aking naramdaman. Ano ang ibig sabihin nito? Salamat!
Naghihintay, Angela
Sa iyo Angela, Marami ang naniniwala sa white lady at ang bilang nila ay parami nang parami.
Samantala, ang mga hindi naniniwala ay simpleng sumakay lang sa sinasabi ng iba na “hindi ako maniniwala dahil hindi ko naman nakita”. Kaya kapag naranasan nila ang “the encounter with a white lady”, mapabibilang sila sa mga naniniwala na.
Tulad mo mismo, nakakita ka ng white lady sa panaginip mo at kapag may kumontra sa iyo na hindi naman white lady ang nakita mo, maaaring magalit, mainis at maasar ka, baka nga kung ano pa ang masabi mo sa taong iba ang paniniwala kaysa sa iyo.
Kaya ang mga kontrabida ay kontra lang nang kontra dahil ang sinasabi nilang katwiran ay wala namang sapat na basehan.
Pero, ang tanong, bakit ka ba nakakita ng white lady sa panaginip mo?
Nakakita ka ng white lady dahil sobrang talas ng iyong “third eye”.
Kusang gumaganda ang pangatlong mata kapag ang dalawang mata sa kanilang pagtulog ay sobrang mahimbing.
Kusa ring gumagana ang pangatlong mata kapag ang dalawang mata ay medyo matagal nang hindi gumagalaw o umiikot, kumbaga, naka-steady lang. Ibig sabihin, kahit hindi tulog ay puwedeng gumana ang pangatlong mata.
Bakit kaya nangyayari na ang dalawang mata ay hindi umiikot o gumagalaw? Ito ay nararanasan ng mga taong may mabigat na pinagdaraanan, may malalim na problema at nasasagap nila na may mga paparating na malalaking pagsubok sa kanilang buhay.
Dahil dito, nagkakaroon sila ng takot, pero ang takot ay ang takot ng pinakamalalim na kamalayan o ‘yung unconscious-self na kapag natakot ay magkakaroon ng escape from reality.
Ang “escape from reality” ay magiging dahilan kung bakit nakikita niya ang ibang dimensions, ito ay iba sa mundo natin.
Pero, sabay na umiiral ang ating mundo at ang iba pang dimensiyon.
Kaya nang magsalamin ka sa panaginip mo, ang nakita mong white lady ay tunay na nandu’n sa kabilang dimensiyon na hindi sinasadyang napuntahan ng iyong unconscious-self.
Kaya ang payo para sa iyo, “be brave, fear not because bravery defeats all negativity”!
Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo




Comments