Naingayan sa tambutso ng motor | 17-ANYOS SINUNTOK NG PULIS

PINAGHAHANAP ang isang pulis matapos ireklamo ng panunutok ng baril at pananapak sa isang menor-de-edad sa Bgy. Darasa, Tanauan City, Batangas.
Pasado alas-9:00 ng gabi, sakay ng motorsiklo ang biktimang si ‘James Josh’, 17, nang madaanan nito ang suspek na si Pat. Elmer Lirio, miyembro ng Batangas Mobile Force Company at residente sa nasabing lugar.
Pinara umano siya at kinompronta sa maingay nitong tambutso saka bumunot ng baril at itinutok sa kanya.
Hindi pa umano siya nakuntento nang agad siyang suntukin sa dibdib bago tuluyang lumayo sa lugar.





Comments