top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mga Pinoy, walang choice kundi ang magtiwala sa pangulo kahit binabatikos ng publiko

  • Ryan B. Sison
  • Apr 15, 2019
  • 1 min read

MATATANDAANG maraming Pili­pino ang bumabatikos kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kanyang mga opinyon at sinasabi.

Gayunman, base sa mga nakaraang sur­vey, imbes umanong bumaba ang trust ratings ng pangulo, hindi ito naapek­tu­han sa pambabatikos ng mamamayan, ayon sa Palasyo. Hmmm...

Pero, may mga survey na bias at hindi natin alam kung totoo ito o hindi.

Sa totoo lang, alam nating marami nang nagawa si Pangulong Duterte sa ban­sa tulad ng mga pagpapaigting ng kampanya kontra iligal na droga at pag­papasa ng iba pang mga batas na may pakinabang talaga.

Bagama’t, marami pa ring problema ang bansa, nagkakaroon naman ito nang pag-usad.

Samantala, kahit hindi natin gusto ang ginagawa ng pangulo, wala tayong choice kundi ang pagkatiwalaan siya at mani­wala na kaya niyang ayusin ang bansa base na rin sa mga ipinangako niya sa lahat.

Kaya hangga’t nakaupo pa siya sa puwesto, huwag tayong mawalan ng pag-asa na mararamdaman din natin ang tunay na pag-asenso at pagbabago!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page