top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Loteng pag-aari ng madir, ibinenta raw, sinolo pa… GABBY, IPAPAKULONG NG UTOL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 15, 2019
  • 2 min read

NANINDIGAN ang nakababatang kapatid ni Gabby Concepcion na si Miguel ‘Mike’ Concepcion sa kasong isinampa niya laban sa aktor nu’ng mag-guest siya sa radio program nina Jobert Sucaldito at Ahwel Paz na Mismo sa DZMM.

Inihabla ni Mike si Gabby sa kasong falsification of public document for the alleged fraudulent sale ng 890 sq. m. lot sa San Juan na pag-aari ng kanilang ina, ang 79 years old na si Mrs. Maria Lourdes Arellano Concepcion.

Ayon sa panayam ni Kuya Jobert kay Mike, naging very close siya kay Gabby nu’ng mga bata pa sila. Kaya nagulat si Kuya Jobert na malaman na sa nakalipas na mga taon ay hindi naging maganda ang relasyon ng magkapatid.

Very close rin kasi si Kuya Jobert sa pamilya nina Gabby at Mike, kaya hoping din ang host-manager na magkaayos ang mag­kapatid, pati ang kasa­lu­kuyan nilang sigalot sa korte.

Pero ayon pa kay Mike, ‘di ito ang nag-trigger kaya nagsampa siya ng demanda laban kay Gabby. Gusto lang daw nila na maayos ang dokumento ng property ng kanilang ina, maibalik what is rightfully belongs to her at i-enjoy ang anumang meron siya.

Minana pa raw kasi ng kanilang ina sa kanyang mga magulang ang 890 sq. m. na lote sa P. Guevarra St. sa Barangay Addition Hills na diumano’y naibenta sa halagang P4.45 million.

Bukod doon, hindi lang naman daw si Gabby ang anak ng kanilang ina para mapunta lang sa kanya ang lupa dahil may isa pa silang kapatid na diumano’y naka­alam sa ginawa ng aktor sa property ng kanilang ina.

Samantala, bukas si Mike sa posibilidad na maging okey ulit sila ni Gabby kung maibabalik ang property sa kanilang ina.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page