Lalaking naiinis sa mga kabitbahay na tsismosa

Dear Roma, Ako si Jepoy, 29 years old. Sa totoo lang, wala naman akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao tungkol sa tunay na kasarian ko dahil may pagkabading ako, pero naiinis ako sa mga kapitbahay namin dahil kahit wala akong ginagawang masama sa kanila, gayundin na presentable akong tao, eh, kung anu-anong paninira ang itsinitsismis nila tungkol sa akin. Kahit kailan ay wala akong dinalang lalaki sa bahay namin dahil umiiwas nga ako sa mga ganu’ng isyu. Ano ang dapat kong gawin? — Jepoy
Jepoy, Alam mo, sa panahon ngayon, dehins na talaga maiiwasan ang mga tsismosa na walang magawa kundi ang siraan ka kahit hindi mo naman sila pinakikialaman. Ang maipapayo namin sa iyo ay dedmahin mo na lang sila, pero kung below-the-belt na ang mga sinasabi nila, puwede mo silang ipa-barangay nang sa gayun ay matuto at matakot. Go, go, go, fight! Good luck!





Comments