top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kaya artista na rin ngayon… CLINT, BIGLANG-SIKAT LANG DAHIL KAY CATRIONA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 15, 2019
  • 1 min read

SA aminin man o hindi ni Clint Bondad, naga­­ga­mit at napapakinabangan din niya ang ex-GF na si Catriona Gray para sa pansarili niyang benepisyo.

Dahil Miss Universe 2018 si Catrio­na, marami ang na-curious kay Clint. Napakasuwerte raw nito na siya ang naging BF ng bagong Miss Universe. Kaya, naging daan ito upang may mga magkainteres sa kanya at aluking mag-artista.

Naging pamilyar agad ang lahat sa kanyang pangalan. At kahit na break na sila ni Catriona, still, in the news lahat ng kanyang ginagawa at sinasabi.

Tulad na lang ng nag-viral niyang kissing video sa isang babae na nakunan sa isang bar. Mas may-edad daw ang bagong girl ni Clint.

Hopefully, may acting talent na maipakita si Clint sa Love You Two upang makilala na siya on his own merits at hindi nakikisakay lang sa ex-GF niyang beauty queen.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page