top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Imbes na isyung panlipunan ang pinagtatalunan, "Pulong" at Agot, naghahamunan sa hubaran,

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 15, 2019
  • 2 min read

HIRIT NI AGOT, SI “PULONG” NAMAN ANG “MAGHUBAD”; RESBAK NI “PULONG”, KUNG GUSTO NIYA NG HUBARAN, MAGSOLO NA LANG SIYA—Hinamon ni opposition actress Agot Isidro si Presidential Son Paolo “Pulong” Duterte na ito umano naman ang maghubad (pagkatapos ni ex-SAP “Bong” Go) at ipakita sa taumbayan ang likod nito kung wala itong ‘dragon tattoo’ na simbolo raw ng pagiging miyembro nito ng Chinese Triad Drug Syndicate, pero ang tugon ni “Pulong” ay hindi siya maghuhubad at sabay hamon sa actress na “kung gusto nito ng hubaran ay magsolo raw siya”.

‘Anyare sa Pilipinas? Dati ang batikusan ng makaoposisyon at makaadministrasyon ay tungkol sa mga isyung panlipunan, pero ngayon, ang hamunan ay maghubad sa publiko, boom!

◘◘◘

SEN. JV, PIRMA NANG PIRMA NANG HINDI INAALAM ANG KANYANG PINIPIRMAHAN — Nang batikusin ng taumbayan ang mga lumagda sa TRAIN Law na nagpataas sa presyo ng bilihin ay humingi ng paumanhin si Sen. JV Ejercito na ayon sa kanya ay hindi raw niya nabasa ang nilalaman ng batas at nang magalit ang mga rider sa mga lumagda sa “doble-plaka” law, humingi ulit siya ng paumanhin dahil hindi rin daw niya nabasa ang nilalaman ng batas.

Ganu’n? Napakaimportante ng lagda ng senador tapos pirma lang ito nang pirma kahit hindi man lang binabasa at iniintindi ang papeles na kanyang pinipirmahan? Pwe!

◘◘◘

PUWESTO NG VK NI ‘RICO’ SA BATANGAS CITY, GINA­­­GA-WANG DRUG DEN — Ginagawa raw drug den ang puwesto ng mga video karera ni “Rico” sa Batangas City.

Dapat yata, mismong si Batangas PNP Chief, Col. Edwin Quilates na ang umaksiyon dito kasi “nganga” lang sina Mayor Beverly Dimacuha at Lt. Col. Sancho Celedio sa shabu-han sa raket na VK ni “Rico”, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page