top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga opisyal na lantarang ikinakampanya ang sinusuportahang kandidato, nasampulan!

  • Ryan B. Sison
  • Apr 14, 2019
  • 1 min read

INIREKLAMO ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang 52 barangay officials dahil sa pag­kakasangkot umano ng mga ito sa par­tisan politics.

Sinabi ni DILG Undersecretary Epi­maco Densing III na inihain na nila ang reklamo sa Commission on Elections (Comelec) at kabilang sa mga sangkot dito ay ang mga kapitan ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK) official na aktibong nangangampanya para sa mga gusto nilang kandidato ngayong nalalapit na halalan.

Gayunman, mula sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas ang mga kinasuhang opisyal kabilang ang Misamis Oriental, Taguig, Ca­vite, Bulacan, Quezon City at Caloocan City.

Sa totoo lang, mahirap kapag may mga botanteng nauuto dahil sa panga­ngampanya ng mga nakaupo na ibinoto nila noon dahil hindi naman porke inen­dorso, eh, karapat-dapat na para iboto.

Minsan, nadadala lang din ng panga­lan at kasikatan kaya kung papansinin natin ngayon, maraming kandidato ang gumagamit ng mga sikat na opisyal.

Samantala, kung bawal ang ganitong pamamaraan, dapat lang na sampulan ang mga ‘yan!

Mainit man ang labanan o mukha mang walang laban, pantay-pantay pa rin dapat at walang gulangan!

Sa ganyang estilo, mas iboboto kayo ng mga tao dahil alam nilang totoo at patas kayo kung lumaban.

Kaya ang panawagan natin sa mga botante, ngayong darating na halalan, vote wisely at hindi vote dahil may “mo­ney”!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page