top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Mga dilawang pulitiko, laglag sa survey, hmmm...

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 14, 2019
2 min read

“BAM” AT “MAR”, LAGLAG SA LATEST SURVEY NG PULSE ASIA — Sa latest survey ng Pulse Asia, wala kahit isa sa mga kandidato ng Liberal Party (LP) ang pumasok sa Top 12.

Ibig sabihin, ang mga dating pu­mapasok sa Top 12 na sina Sen. Bam Aquino at ex-DILG Sec. Mar Roxas ay laglag sa latest survey ng Pulse Asia.

Tila yata mamalasin ang mga LP sa darating na eleksiyon kasi kapag ganito rin ang naging resulta ng halalan ngayong May 13, 2019, walang ma­daragdag na dilawang pulitiko sa Senado, boom!

◘◘◘

MAY PAKIALAM ANG TAUM­BAYAN SA SALN NI P-DUTERTE — Matapos ibulgar ng PCIJ (Philippine Center for Investigative Journalism) ang mga tagong-yaman at negosyo ng Pamilya Duterte na hindi nakasaad sa kanilang SALN (Statement of Assets, Liabilities and Networth), galit na si­nabi ni P-Duterte na wala raw paki­alam ang sinuman na kuwestiyunin ang ka­nilang ari-arian.

Ganu’n? Para sa kaalaman ni P-Du­terte, may pakialam ang taumbayan na malaman kung saan nagmula ang kanilang yaman na hindi nakasaad sa kanyang SALN kasi siya ang pangulo ng bansa, period!

◘◘◘

LAHAT NG MGA TAONG-GOB­YERNO, DAPAT KUMPLETONG ARI-ARIAN ANG NAKATALA SA SALN; PERO SI P-DUTERTE, AYAW — Nakasaad sa Konstitusyon na la­hat ng mga taong-gobyerno, dapat itina­tala sa SALN ang lahat ng kanilang mga ari-arian upang matiyak na hindi sa pangungurakot galing ang kanilang yaman sakaling umasenso sila sa bu­hay, pero si P-Duterte, ayaw at wala raw pa­kialam ang sinuman sa kanilang ka­yamanan.

Kung anuman ang dahilan ni P-Du­terte nang hindi niya itala sa kanyang SALN ang iba nilang ari-arian ay siya at ang pamilya lang niya ang nakaa­alam, period!

◘◘◘

PALAWAN, 3 PROBINSIYA NA KAYA MADARAGDAGAN NA NA­­MAN ANG MGA PULITIKONG PALALAMUNIN NG TAUMBA­YAN — Nilagdaan na ni P-Duterte bilang batas na hahatiin sa tatlong probinsiya ang Palawan at ito ay ang Palawan del Norte, Palawan del Sur at Palawan Oriental.

Dahil d’yan, madaragdagan na naman ang mga pulitikong “palala­munin” ng taumbayan, buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page