Kaya hindi mapakasalan ng bagong BF… NABUKING: ZSA ZSA, KASAL PA SA HAPON
- BULGAR

- Apr 14, 2019
- 2 min read

MARAMI ang nagulat sa balitang na-declare na null and void ang fake marriage ni Zsa Zsa Padilla sa isang Hapon.
Akalain mong kasal pala ang singer-actress sa isang Japanese na nagngangalang Shigemi Nabehigashi, pero hindi niya pala ito alam?
Ang kasalang diumano’y naganap nu’ng June 29, 1992 sa Manila City Hall ay pinawalang-bisa ng Makati Regional Trial Court. Base ito sa desisyong pirmado ni Judge Cristina F. Javalera-Sulit na may petsang April 6, 2018.
Nakasaad dito ang salaysay ni Zsa Zsa kung paano nangyaring ikinasal siya nang hindi niya nalalaman sa isang lalaking hindi niya kilala at hindi man lang nasilayan sa kanyang tanang buhay.
Year 2016 lang nu’ng na-discover ni Zsa Zsa ang nasabing anomaly nang ma-engaged siya kay Conrad Onglao. She was then in the process of getting a Certificate of No Marriage nu’ng matuklasan niyang meron siyang marriage contract sa isang Hapon.
Alam ng lahat na ang tanging pinakasalan ni Zsa Zsa ay si Dr. Modesto Tatlonghari na ama ng singer-actress na si Karylle nu’ng August 1, 1980.
It wasn’t also possible for Zsa Zsa to marry the Japanese whom she had never seen.
Taong 2017 nang pormal na inireklamo ni Zsa Zsa na maging null and void ang kanyang pekeng kasal sa hindi niya kilalang Japanese guy.
Ito ang ilang nakasaad sa petition ni Zsa Zsa bukod sa pagdeklara na hindi niya kilala ang lalaki:
“Petitioner claims that the execution of the alleged marriage contract and the application for marriage license were bogus as she did not sign both documents.
“She belied that she applied for a license to get married to a certain SHIGEMI NABEHIGASHI.
“She never appeared before Rev. Mario J. Dauz, the person who allegedly solemnized the fictitious marriage on June 29, 1992.”
At ang mga ebidensiya?
Imposible raw maikasal si Zsa Zsa sa naturang Hapon sa petsang ‘yun dahil nasa ibang bansa ang singer-actress noon. Patunay daw nito ay ang passport ni Zsa Zsa kung saan makikitang lumipad siya patungong Hong Kong noong March 2, 1992.
Mula Hong Kong, nagtungo naman ang singer-actress sa U.S. noong March 4, 1992.
Nakabalik lang daw ng Pilipinas si Zsa Zsa noong August 12, 1992.
Ayon pa kay Zsa Zsa, kasama niya ang long-time partner at Comedy King na si Dolphy nang magtungo siya sa Hong Kong at U.S.
Ay ayon din sa singer-actress, ang may pakana raw ng lahat ng ito ay ang kanyang dating asawang si Modesto Tatlonghari. Ito raw ang nag-orchestrate ng fake marriage dahil nu’ng time na ‘yun ay nagbabalak silang magpakasal ni Dolphy.
So, alam na natin ang sagot kung bakit hindi mapakasalan ni Conrad si Zsashing.





Comments