top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Grab driver timbog sa baril

Maeng Santos
Apr 14, 2019
1 min read

KULONG ang Grab driver matapos mahulihan ng baril nang tangkaing takasan ang mga pulis sa Malabon City, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni Malabon Police Chief P/ Col. Jessie Tamayao ang naarestong suspek na si Arnel Vicente, 27, ng Bgy. Tinajeros.

Ayon kina PSSgt. Julius Mabasa at PSSgt. Philip Apostol, ala-1:50 ng madaling-araw, nagpapatrulya ang mga tauhan ng PCP-4 na sina PCpl. Ramon Dalo, PCpl. Khen Brent Visca at PCpl. Alex Jhaynard Chico sa kahabaan ng Arasity St., Bgy. Tinajeros nang mapansin ang suspek na walang damit pang-itaas.

Nang mapansin ng suspek ang presensiya ng mga pulis, mabilis itong tumakas sakay ng motorsiklo kaya hinabol ito ng pulisya hanggang sa maaresto.

Narekober sa compartment ng motorsiklo ang itim na belt bag, cal. 45 pistol na kargado ng magazine at apat na bala, walang laman na magazine at sari-saring mga ID.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page