top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

GMA, maggu-goodbye na bilang Speaker, marami nang tulo-laway, he-he-he!

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 14, 2019
2 min read

MATATAPOS na ang termino ni ex-PGMA bilang Speaker ng House of Representative.

Saan kaya siya ita­talaga ni P-Digong?

◘◘◘

MARAMI ang nag­lala­way bilang Speaker kapalit ni Ate Glo.

Nagpahiwatig mismo si Rep. Antonio Floirendo, Jr. ng Davao!

◘◘◘

MORTAL na kaaway ni Floirendo ang dati niyang BFF at dating Speaker na si Rep. Pantaleon Alvarez, ang inagawan ng puwesto ni Ate Glo.

Tiyak na kakampi si Alvarez sa maka­karibal ni Floirendo!

◘◘◘

ASPIRANTE si Rep. Martin Romualdez ng Leyte.

Nagpahiwatig din ang anak ng Supreme Court Justice Pres­bitero Velasco, Jr. na si Lord Allan Velasco!

◘◘◘

MABIGAT na ma­kakaribal nila si dating DFA Secretary Alan Peter Cayetano na ine­endorso mismo ni P-Digong.

Si Cayetano ay ori­hinal na miyembro ng core group ni P-Di­gong noong panahon ng kam­panya!

◘◘◘

MASELAN ang sit­wasyon ni Cayetano kasi nagbitiw siyang senador para tangga­pin ang alok ni P-Digong na pangasiwaan ang DFA.

Ngayon, gusto ni P-Digong na maging Speaker sa Kamara si Cayetano dahil bete­rano raw ito sa gob­yerno!

◘◘◘

MASELAN ang sit­wasyon matapos ang eleksiyon ngayong Mayo kasi nanghihima­sok ang mga dayuhan.

Delikado rin ang relasyon sa China.

Ang CPP-NPA-NDF ay bumalik sa pagiging re­belde.

Titiyakin ni P-Di­gong na kontrolado niya ang bawat sa­ngay ng pamahalaan, par­tikular ang Ka­mara!

◘◘◘

SA ngayon, nateng­ga ang badyet kasi hindi naman makontrol ni P-Digong ang Kama­ra kaya mahalagang ka­kampi ng Malacañang ang mayorya ng mga kongresista.

Hindi dapat mau­lit ang pagkatengga ng badyet sa 2020 kasi ora-de-peligro na ito!

◘◘◘

MATATAPOS na ang termino ni P-Di­gong matapos ang halalan, kailangan mapagtibay ang maha­halagang batas at maipatupad ang mga proyekto.

Kailangan ng Ka­mara ang lider na nakadikit sa Malaca­ñang!

◘◘◘

ANG susi sa ta­gumpay ng Malacañang ay ang makasangga ang liderato ng Kamara.

Isang mahalagang papel ang gagampanan dito ni Cayetano.

Maganap kaya ito nang walang bulil­yaso?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page