top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Empleyado tepok sa tiyuhin

  • Pabs Hernandez III
  • Apr 14, 2019
  • 1 min read

NEGROS OCCIDENTAL—Isang empleyado ang namatay nang barilin ng kanyang tiyuhin, kamakalawa sa bayan ng Hinobaan sa lalawigang ito.

Kinilala ang biktima na si Hernani Gustilo, samantalang, ang suspek ay ang tiyuhin niyang si Vicente Pamplega, kapwa nakatira sa nasabing bayan.

Ayon sa ulat, naglalakad si Gustilo nang salubungin ito ni Pamplega at agad binaril sa hindi pa malamang dahilan.

Dinala ng mga saksi si Gustilo sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival, samantalang, pinaghahanap na ng pulisya ang suspek.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page