4 YEAR OLD & ABOVE

MAGHAHARAP ngayon ang limang kalahok sa pag-alagwa ng 2019 PHILRACOM “4 Year Old & Above Local Stakes Race sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite. Kasabay nito, aalagwa rin ang 3rd Cool Summer Farm Race at “White Castle Stakes Race” sa nasabing karerahan.
Ang mga kalahok sa 4 Year Old & Above local Stakes Race ay pangungunahan ng Smokin Saturday, Salt and Pepper, Mandatum, Lakan at Hot and Spicy.
Pinapaboran ang Lakan sa mga kalahok at ang posibleng tumalo ay ang Salt and Pepper at Hot and Spicy.
May nakalaang papremyong P300,000 para sa tatanghaling kampeon at mag-uuwi ng P112,500 ang 2nd place habang P62,500 ang tatanghaling 3rd placer at P25,000 ang darating na pang-apat na puwesto.
Maghaharap ang pitong kalahok sa pagtikada ng “White Castle Stakes Race” na pangungunahan ng Oktubre Katorse, Phenomenal, Hayabusa, The Accountant, Barumbado, Iron Hook at Snap Dance.
May naghihintay na premyong P500,000 na hahati sa unang apat na makatatawid sa finish line.
Samantala, magkakaharap ang mga kalahok na Real Gold, Boss Emong, Gintong Tubig, Inter State, Turns Gold, Big Hook, at Ready Set Go sa 3rd ”Cool Summer Farm Derby Race” na may nakalaang P-M papremyo sa apat na unang makatatawid sa finish line.
Sa mga kalahok, pinapaboran ang Real Gold at Ready Set Go, habang mananatiling banta ang Boss Emong at Turns Gold. Tip ni Mang Ding Race 1-App Da Bonus (3) Great Connection (6) Mighty Pride (5) Race 2- Lakan (4) Salt and Pepper (2) Race 3- Eli Brassous (2) Trust Me (1) Race 4- Snap Dance (7) The Accountant (4) Race 5- Corazon (3) Run and Gun (1)
Race 6- Real Gold (1) Ready Set Go (7) Boss (2) Turns Gold (5) Race 7- Entry No.3 Entry No.6 Tequila Princess (13)
Race 8 Gee Queen (1) Boom Boom Thailer (5) Princess Mamba (7) Race 9- Titanium (1) Divine Dancer (11) Race 10- Dinalupihan (1) Garantisado (7) Race 11- Derham Park (1) Go On Eugene (6) Papasut (3) Race 12- Gold Sunrise (12) Ashea’s Will (10) My Fave (8)





Comments