2 akyat-bahay utas sa parak
- V. Reyes
- Apr 14, 2019
- 1 min read

UTAS ang dalawang hinihinalang miyembro ng Akyat-Bahay Gang matapos makaengkuwentro ang mga pulis-Quezon City, Sabado ng madaling-araw.
Ayon kay PLt. Colonel Rossel Cejas, hepe ng Quezon City Police District (QCPD) Station 4, una nang itinawag sa kanila ang mga lalaking may kahina-hinalang kilos at nang puntahan ng mga pulis ay nasalubong ang mga ito.
Nang lapitan, bigla umanong nagpaputok ng baril ang mga suspek dahilan para gumanti ang mga pulis.
Inaalam na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang posibleng kinalaman ng mga ito sa mga insidente ng akyat-bahay sa lugar.
“May nakuha sa kanilang mga baril, may bolt cutter din at mga damit,” ayon pa kay Cejas.
Kasabay nito, muling nagpaalala ang QCPD sa publiko na mag-ingat upang hindi mabiktima ng akyat-bahay lalo na ngayong maraming magbabakasyon ngayong Semana Santa.





Comments