SINO ANG PAPASOK SA SEMIS, ANG LIFESAVERS O ANG FIBR?


MAY bukas pa ba o wala na para sa Generika-Ayala at PLDT Home Fibr para sa pag-aagawan nila ng huling semifinal seat sa isang sudden-death battle sa Philippine Superliga Grand Prix sa FilOil Flying V Centre sa San Juan?Magsisimula ang aksiyon ng 4 p.m. kung saan ang Lifesavers at ang Power Hitters ay pakay na makasampa sa next round ng prestihiyosong women’s club tourney.Ang reigning champion Petron ang unang nakakuha ng silya sa semifinals nang tigpasin ang Sta. Lucia sa straight sets. Kasunod ang Cignal nang kalusin ang United VC sa second game.
Sa iba pang laro, lumusot muna ang F2 Logistics sa butas ng karayom bago tinalo ang Foton, 25-22, 25-27, 25-21, 25-19, sa quarterfinal showdown noong Huwebes na isinasaere ng ESPN5 at 5Plus. Ipinamalas nina Lindsay Stalzer at MJ Perez, dalawa sa pinakamahusay na foreign players, ang pormang pangkampeon sa isang krusyal na laro.
Tumapos si Stalzer na may 26 puntos habang si Perez ay may 21 hits para sa Cargo Movers na ibinalandra rin ang local crew na sina Aby Maraño, Alexine Cabanos, Dawn Macandili at Ara Galang.Naghihintay ngayon ang Cargo Movers sa kanilang makakatunggali sa best-of three semifinal series sa ‘patayan’ ng Lifesavers at Power Hitters.
Nagmartsa ang PLDT sa quarterfinals sa bisa ng twice-to-beat advantage nang malagay sa 4th place sa double-round classification. Pero nawala ang kalamangang iyon matapos na makagawa ang Generika ng 4 set na panalo sa unang quarterfinal na engkuwentro noong Martes. (MC/VA)





Comments