PHL, UMENTRA SA MIXED TEAM SEMIS NG 5th SEA CUP SQUASH MEET
- BULGAR

- Apr 13, 2019
- 1 min read

WINALIS ng Pilipinas ang Group A matches laban sa Thailand at Indonesia noong Huwebes ng gabi upang umabanse sa mixed team event semifinals ng 5th Southeast Asian Cup Squash Championships na idinaos sa Kerry Sports Manila sa Shangri-La Hotel sa The Fort, Taguig City.
Binlangka ng Kayod Pilipinas ang Thais, 5-0, kasunod ng pagtilad sa Indons, 4-1, upang manguna sa grupo at malagay sa semifinals na nakaiskedyul ngayong araw na lalahukan ng six-nation tournament na inorganisa ng Philippine Squash Academy at suportado ng Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee. (MC)





Comments