Pati mga mangingisda, niraraket ng mga jueteng lord, buwisit!

PEKE LANG ANG PAKIKIPAGKAIBIGAN NI CHINESE PRES. XI JINGPING KAY P-DUTERTE —Sinopla ng China ang sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na magpa-file ng diplomatic protest ang Pilipinas kapag napatunayang nasa paligid ng Panatag Shoal ang mga barko ng China dahil ayon kay China Foreign Ministry Spokesman Lu Kang ay wala umanong saysay ang diplomatic protest dahil pag-aari raw ng China ang buong Spratlys Island.
O, kitam, kahit may desisyon na ang UN-Permanent Court of Arbitration na sa Pilipinas ang Spratlys Island ay inaangkin pa rin ito ng China, ibig sabihin, peke lang ang pakikipagkaibigan ni Chinese Pres. Xi Jinping kay P-Duterte, period!
◘◘◘
DILAWANG KANDIDATO, INIENDORSO NG MGA DILAWANG ARTISTA —May mga taga-showbiz na nag-eendorso sa kandidatura ng mga taga-Liberal Party (LP) at ayon sa mga artistang ito, free o wala raw bayad ang ginagawa nilang pag-eendorso.
Eh, talagang walang bayad ‘yan kasi ang mga taga-showbiz na nag-eendorso sa mga dilawang kandidato ay mga artistang nasa hanay din ng mga “dilawan” boom!
◘◘◘
SINIBAK NA MGA KORUP, DAPAT KASUHAN AT IKULONG —Napakaraming gov’t. officials na ang sinibak si P-Duterte, pero ang masaklap, hanggang sibak lang kasi wala namang isinampang kaso ang gobyerno laban sa mga korup na sinibak sa puwesto.
Kung sinsero si P-Duterte na linisin ang gobyerno, dapat niyang ipa-lifestyle check at bawiin ang yaman ng mga korup at sampahan ng kaso ang mga ito upang makulong, period!
◘◘◘
MGA MANGINGISDA, NIRARAKET NA RIN NG MGA JUETENG LORD — Laganap na raw ang jueteng sa mga barangay na nasa baybaying-dagat ng Romblon.
Wala talagang habag ang mga jueteng lord kasi pati ang mga mangingisda, niraraket na nila sa kanilang pa-jueteng, mga buwisit!





Comments