top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

P-Digong sa sex scandal ni Jim Paredes: “HALA KALIIT”

Mylene Alfonso
Apr 13, 2019
1 min read

BINATIKOS ni Pangulong Rodrigo Duterte ang beteranong singer at kritiko ng administrasyon na si Jim Paredes kaugnay sa kumalat na video scandal nito.

“Tapos itong Jim Paredes immoral daw ako. Pinakita niya ‘yung o—n niya, t—ina ang liit pa ganu’n. Sa totoo lang. Kaya ako napasabi ako hindi ako nagyayabang, ha. Napasabi ako ‘Ha, hala kaliit’ tapos adik tapos doing the...,” ani P-Duterte sa kanyang talumpati sa PDP-Laban campaign rally sa Bacolod City.

Ginawang katatawanan ito ng pangulo habang binabanatan ang mga senatorial candidate sa oposisyon na nasa ilalim ng Diretso coalition.

Aminado si P-Duterte na minsan ay hindi magandang salita ang lumalabas sa kanyang bibig ngunit, hindi nito naisip kailanman na gawin ang ginawa ni Paredes sa viral video.

“’Yan ang mga taong nagbabatikos sa akin. Kita mo ‘yung kalidad nila. Ako bastos magsalita, pero, nunca ako nagpakita ako ng... nagpapahawak ako basta maganda. Walang problema ‘yan pero, hawak lang,” sabi ng pangulo.

Matatandaang, inamin ni Paredes na siya ang lalaki sa lumabas na video scandal habang inilalabas ang dila at nilalaro ang sariling ari nito ngunit depensa niya, ito ay pribadong video.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page