Notoryus na pusher dedo sa buy-bust
Pabs Hernandez III
Apr 13, 2019
1 min read
CEBU—Isang notoryus na drug pusher ang napatay nang makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng buy-bust operation, kamakalawa sa Bgy. Calawisan, Lapu-Lapu City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Manuel Baclohan, residente ng nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, dadakpin sana sa drug-bust operation si Baclohan, pero nanlaban ang suspek at pinagbabaril ang mga awtoridad.
Dahil dito, kaagad gumanti ng putok ang mga awtoridad kaya napatay ang suspek.





Comments