top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Nangangampanya | 52 BGY. AT SK OFFICIALS, LAGOT!

  • V. Reyes
  • Apr 13, 2019
  • 1 min read

INIREKLAMO ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Commission on Elections (Comelec) ang 52 barangay officials na nasasangkot sa partisan political activities.

Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing III, ang mga inireklamo ay ang mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan na aktibong nangangampanya para sa mga kandidato sa halalan sa Mayo 13.

Ito ay transmittal of complaints galing sa ating mga kababayan na laban ng mga barangay captain to [Sangguniang Kabataan] officials na nakikisali nang lantaran sa kampanya starting last March 29,” ayon kay Densing.

“Fifty-two lang ito from all over the Philippines. May Misamis Oriental, may Cavite, may Taguig, Cavite, Bulacan, Quezon City, Caloocan,” dagdag pa nito.

Diin ni Densing, tanging ang presidente, bise-presidente at iba pang elected official, maliban sa mga opisyal ng barangay ang pinapayagang makilahok sa partisan politics alinsunod sa joint memorandum ng Comelec at Civil Service Commission (CSC).

“May joint memorandum ang Comelec, Civil Service Commission na 001-2016 na dine-define na tinatawag na political offices at pino-prohibit ang mga civil servants na magkampanya during elections,” paliwanag pa ni Densing.

Mayroon din umano silang natanggap na 700 sumbong ngunit, inuna nilang maghain ng reklamo sa 52 barangay at SK officials habang nagpapatuloy ang kanilang beripikasyon.

Hindi ko alam kung aabutin ang 700 but we will file cases as many as we can,” diin pa ng opisyal.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page