MOCON, BUMIDA SA GAME 1, ROS NAUNA


NAKAUNA ang Rain or Shine Elasto Painters sa best-of-seven semifinals ng PBA Philippine Cup matapos kalusin ang Magnolia Hotshots, 84-77 kagabi sa Araneta Coliseum.
Naging matatag sa fourth quarter ang Elasto Painters upang makuha ang importanteng panalo.
Parehong nagpakitang gilas ang Hotshots at Elasto Painters sa unang dalawang periods hindi nag-iwanan ang dalawang koponan. Nakalamang lang ng apat na puntos ang Pambansang Manok Magnolia, 37-33 sa halftime.
Naagaw naman ng Rain or Shine ang bandera sa third quarter, 61-58 matapos uminit ang opensa ni rookie Javee Mocon.
Samantala, maghaharap ngayong ala-6:30 ng gabi ang defending champion San Miguel Beer at Phoenix sa isang pares ng semifinal game. Kahit topnotcher ang FuelMasters sa elimination round, naniniwala si coach Louie Alas na dadaan sila sa butas ng karayom bago manalo sa Beermen sa kanilang best-of-seven series. “Four-time defending champion,” saad ni Alas. “Facing SMB is like facing the national champion. Ganu’n sila kabigat at kalalim.” Tumapos ng fifth place ang Beermen sa elims, subalit sa ipinakitang tikas sa laban nila kontra TNT KaTropa sa best-of-three quarterfinals ay masasabing team to beat pa rin ang San Miguel Beer.
“Phoenix is not number one for nothing. We should study well what kind of game we’re going to do against Phoenix,” hayag ni SMB mentor Leo Austria.
“They beat us in the eliminations, but I think we have a good chance to get to the next step, to defend our title,” Ayon kay Alas, maraming players sa SMB ang dapat tutukan dahil halos lahat ay puwedeng umiskor ng mahigit 10.
“Walo p’wedeng mag-double figures. Daming kailangang i-stop, plus super-experienced team,” wika ni Alas. (ATD)
Mga laro ngayon: (Mall of Asia Arena)
6:30 p.m. - San Miguel vs Phoenix





Comments