top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Mga pasaway na resort owner na hindi maglalagay ng first aid responders, lagot!

Ryan B. Sison
Apr 13, 2019
1 min read

SWIMMING dito, swimming doon, ang tanong, ligtas ba kayo sa inyong mga pinupuntahan? Hmmm…

‘Ika nga nila, ang pagsasaya ay may kaakibat na disgrasya, kaya dapat palagi tayong mag-ingat at maging handa.

Kaya naman nagbabala ang Depart­ment of Tourism (DOT) sa mga resort na walang inilalagay na mga first aid responder, ito ay dahil ang lahat ng resorts ay required umano na magkaroon nito bago pa sila mabigyan ng accreditation ng DOT kung saan sakaling hindi sila sumunod sa polisiya ay maaaring maipa­sara ang kanilang resort.

Sa ngayon ay nadiskubre ng DOT na ang Boracay Island at Siargao ay wala umanong emergency facilities na ma­nga­ngalaga sa mga turista kung sakaling sila ay maaksidente.

Gayunman, kahit hindi ito require­ment, dapat mayroong first aid staff ang bawat resort, lalo na ngayong hindi na mabilang sa mga daliri ang mga nagbaba­kasyon.

Dagdag pa rito, bilang negosyante, kaligtasan ng lahat ang dapat ninyong maging prayoridad, huwag kayong tu­mulad sa mga pasaway na inuuna ang kumita kaysa makapaglingkod ng tama.

Samantala, para sa mga opisyal ng gobyerno, tiyakin nating may mga dok­tor at nurse sa iba’t ibang tourist desti­nations upang sa huli hindi tayo ang masisisi dahil hindi natin nagawa nang maayos ang tungkulin natin para sa ka­pakanan ng mamamayan.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page