Madre, sex slave ng obispo
- Jersey Sanchez
- Apr 13, 2019
- 1 min read
Kinasuhan ang isang Katolikong Obispo sa India dahil sa umano’y panggagahasa sa madre.
Inakusahan si Bishop Franco Mulakkal, ng panggagahasa sa madre ng ilang beses mula noong 2014 hanggang 2016 sa guest house ng Simbahan sa Kerala.
Ayon sa mga awtoridad, mayroon silang hawak na 83 saksi kabilang ang cardinal, tatlong Obispo, 11 pari at 25 madre.
Kaugnay nito, inaresto noong Setyembre si Mulakkal makaraan ang protestang isinagawa ng mga madre na inakusahan ang mga pulis ng pagtatakip sa kaso.
Sa panayam sa madre, 13 beses itong ginahasa ni Mulakkal mula noong 2014 hanggang 2016 kung saan pansamantalang tumutuloy ang pari.
Napag-alamang Obispo si Mulakkal ng Jalandhar, lungsod sa northern Punjab.





Comments