top of page
Pokwang.jpg

Kinakapos nang supply sa kuryente, halalan bantayan!

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 13, 2019
1 min read

KINAKAPOS na ang supply ng elektrisidad.

Abiso ito sa dayaan ngayong halalan!

◘◘◘

READY na ang Malacañang na kastiguhin ang China.

Klap-klap-klap!

◘◘◘

NATUKLASAN ang mga plastik sa bituka ng patay na balyena.

May makita rin kayang mga plastik sa bituka ng mga buhay na pulitiko?

◘◘◘

TILA mabobokya ang mga dilawan sa eleksiyon ngayong Mayo.

Sino kaya ang may balat sa wetpu?

◘◘◘

NAGHAHANAP ng susunod na gaganap na Darna.

Inirerekomenda natin si Senadora Leila de Lima.

Ang kanyang agimat? Saging na saba!

◘◘◘

UMABOT na sa 50 sentigrado ang init factor.

Kukulo ang tubig sa utak ng tao!

◘◘◘

BAKIT walang oratio emperata sa Simbahang-Katolika kahit dumara­nas ng tagtuyot?

Baka nalimutan nila ang doktrina?

◘◘◘

IMBES na ipagdasal ang pagbagsak ng ulan. Iba ang idinarasal ng mga pari at Obispo.

Ito ay ang pagbagsak ni P-Di­gong!

◘◘◘

NAKALIMUTAN na ang pagbubunyag sa pangalan ng mga taga-showbiz na sangkot sa iligal na droga.

Talagang ningas-kugon lang ang mga loko!

◘◘◘

INIENSAYO ni Sen. Manny “Pacman” Pacquiao ang kanyang anak.

Gusto niyang maging senador din si Jimuel!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page