Buntis na mommy lumaklak ng cytotec, tigok

PATAY ang 23-anyos na ina matapos ilaglag ang anim na buwang fetus makaraang uminom ng cytotec at maubusan ng dugo, kamakalawa ng gabi sa loob ng hotel sa Sta. Cruz, Manila.
Hindi na naisalba pa ng mga doktor sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) si Tiffany Mae del Rosario, ng Sta. Cruz, Manila habang natagpuan na nakalutang sa toilet bowl ang anim na buwang fetus.
Batay sa imbestigasyon ni PMSgt. Rey G. San Pedro ng Manila Police District-Homicide Section, alas-9:15 ng gabi nang mangyari ang insidente sa AJ Star Hotel sa Rizal Ave., Sta. Cruz, Manila.
Ayon kay Ryan Barcenas, roomboy, alas-3:15 ng hapon nang mag check-in mag-isa sa nabanggit na hotel ang biktima.
Alas-9:15 ng gabi nang tumawag sa front desk ang biktima para humingi ng tulong.
Nagawa pa nitong buksan ang pintuan ng kuwarto bago tuluyang mag-collapsed at dito napansin ang mga nakakalat na dugo sa kuwarto papuntang banyo kung saan nakita ang fetus.
Agad isinugod sa pagamutan ang biktima ngunit, binawian din ito ng buhay, ala-1:55 ng madaling-araw.
Nakuha ng mga pulis sa kuwarto ng biktima ang 21 piraso ng methylergometrine, 2 cytotec tablets, 6 na amoxicillin capsules at anim na paracetamol tablets.
Patuloy namang iniimbestigahan ang insidente.





Comments