6 tulak timbog sa drug-bust
PAMPANGA—Anim na drug pusher ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad, kamakalawa sa Bgy. San Pedro Cutud, San Fernando City sa lalawigang ito.
Kinilala ang mga suspek na sina Axl Jhon Quiambao, 25; Kenneth Guiao, 28; Gabriel Louegie Patig, 20; Jebbren Peralta, 19; Aljen Quiambao, 19 at Albert Quiambao, 47.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 10 sachets ng shabu sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments